Kandidatura ni Robredo, nakakuha ng suporta mula sa pinakamalaking alyansa kontra-mina

April 7, 2022

Opisyal na inindorso ng grupong Alyansa Tigil Mina (ATM) ang kandidatura ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan noong Abril 6. 

Ayun sa grupo, ang mga plataporma na makakalikasan nila Robredo at Pangilinan ang dahilan sa pagpapahayag ng suporta ng pinakamalaking alyansang kontra-mina sa bansa. 

“We have arrived at these endorsements after a thorough study of the platforms, track records, and positions on mining issues of various electoral candidates,” sabi ng ATM sa inilabas nitong pahayag.

“We are confident that, together with the aspirants, we will be able to institutionalize policies that prioritize the environment and communities over profit-oriented, destructive, mining activities,” dagdag nito.

Noong Enero, lumagda si VP Robredo sa isang kasunduan kasama ang civil society organizations sa tinatawag na “Green Covenant,” upang siguruhin na ang kalikasan ay maging isa sa pangunahing pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan kung siya man ay manalo sa pagka-pangulo. 

Layunin ng nasabing kasunduan na palakasin ang ‘10-point green agenda’ na nauna nang iprinisenta kay Robredo, at matiyak na ang mga programa ng pamahalaan ay hindi mag-uugnay sa mga gawaing nakakasira sa kalikasan

“The prayer of pro-environment groups is a future government that will lead its people in the preservation of ecological integrity and preventing further environmental destruction,” ani Jaybee Garnera, lead convenor ng Green Thumb Coalition

Nitong nakaraang buwan, nauna nang nagpahayag ng pag-suporta ang makakalikasang grupong Living Laudato Si’ Philippines (LLS) sa kandidatura ni Robredo, ito’y tugon anila sa panawagan ng mga obispong Katoliko na makilahok ang mga layko sa isang “principled politics.”

“After a series of discernment, Living Laudato Si’ Philippines decides to respond to the call of the Catholic Church for the lay people to engage in principled politics by supporting a candidate who stands for our beliefs, battles, and advocacies,” ayon sa pahayag na inilabas ng Living Laudato Si’ nitong Marso. 

Sa liham pastoral na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, muling nanawagan ang mga obispo patungkol sa responsibilidad ng mga mamamayan sa darating na Mayo. 

Anila, ang halalan ay “hindi lamang para sa mga kandidato at botente,” kundi lahat ng mamamayan ay apektado sa magiging bunga nito.

“Ang kapakanan ng bayan ay responsibilidad nating lahat. Lahat tayo, botante man o hindi, ay may mahalagang papel na gampanin. Lahat tayo ay may maiaambag sa kapakanan ng bansa,” sabi ng mga Obispo sa liham pastoral na inilabas noong Marso 27.

Kabilang sa mga kandidatong inindorso ng ATM ay sina Teddy Baguilat, Roy Cabognero, Neri Colmenares, David D’Angelo, Leila De Lima, Chel Diokno, Luke Espiritu, Risa Hontiveros, Alex Lacson, Sonny Matula, Antonio Trillanes at Joel Villanueva na pawang mga tumatakbo sa pagka-senador, at ang mga partylists na Partido Lakas ng Masa at Akbayan. 

“We hope our endorsement will guide the voting public in their choices come election day,” sabi ng ATM.

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Pin It on Pinterest

Share This