EcoWaste Coalition dismayado sa mga basurang nagkalat sa araw ng eleksyon 

May 11, 2022

Labis na ikinadismaya ng EcoWaste Coalition ang basurang nagkalat sa mga presinto matapos ang paglulunsad ng pambansa at lokal na halalan.

Naglibot sa sa dalawampung paaralan sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Metro Manila at karatig probinsya ang mga “Basura Patrollers” para alamin kung gaano kalubha ang idinulot na kalat ng nagdaang eleksyon.

Ilan sa mga nakitang basura ay an nagkalat na sample ballots at mga campaign paraphernalias, maliban sa mga plastic, single-use food packaging, at maging mga face masks sa mga presinto. 

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, ang pamamahagi ng mga sample ballots sa mismong mga presinto ay nakadagdag lamang sa pag dami ng mga basura ng eleksyon.

“The unlawful distribution of sample ballots during the actual polling day by paid individuals has resulted in the ugly litter often seen at school gates and immediate surroundings,” ayon kay Lucero. 

“Children are even used to hand out sample ballots to voters near school premises,” dagdag pa niya.

Sa pahayag na inilabas ng grupo, ipinaalala nito sa publiko ang Comelec Resolution 10730 kung saan ipinagbabawal ang mga “partisan political activity” sa mismong araw ng halalan. 

“The Voter’s Information Sheet sent by Comelec to individual registered voters in compliance to R.A. 7904 to help them prepare for an election includes an official sample ballot,” ani Lucero.

“This renders the unofficial and incomplete sample ballots handed out during the election day completely unnecessary,” dagdag niya. 

Hinikayat ni Lucero ang mga lokal na pamahalaan na mas maigtingin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa pagkakalat lalo na sa araw ng eleksyon. 

Nuong nakaraang halalan 2019, tinatayang aabot sa 168.84 na tonelada ng basura ang nakolekta ng Metro Manila Development Authority (MMDA), samantalang nasa 21,700 na election-related materials naman ang nakuha sa kamaynilaan, isang araw matapos ang ginanap na halalan. 

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Pin It on Pinterest

Share This