Laudato Si course ilulunsad sa Maynila

June 23, 2022

Ilulunsad sa susunod na Linggo ng Ministry of Ecology ng Arkdiyosesis ng Manila ang Laudato Si’ Course na magbibigay daan sa mga mananampalataya na unawain ang nilalaman ng dokumentong Laudato Si’.

Bilang paghahanda sa gaganaping Season of Creation sa Setyembre at pag-diriwang ng ika-pitong taon ng nasabing liham ensiklikal, binuo umano ang programa para “makapaghubog ng mga taong kusa na magtalaga ng sarili bilang Laudato Si formators.” 

Ayon kay Ecology Program Coordinator Lou Arsenio ng Manila, inaasahan na magbunga ang pag-aaral ng mga doktrinang panlipunan gaya ng Laudato Si’, ng mga “pagkilos upang pigilan ang pagbabago ng Klima,” at makahikayat umano ng mga “responsableng tagapangalaga,” ang kalikasan.

“Bilang mananampalatayang Katoliko, marami tayong Social Teachings na nagtutukoy sa mga panindigan ng Simbahan sa iba’t-ibang isyu ng Lipunan,” ani Arsenio sa panayam ng Oeconomedia

“Ang mga nasabing social teachings ang gabay sa ating mga social action programs ngayon at noon pa man,” dagdag pa ni Arsenio

Sa inilabas na Pastoral Statement on Ecology ng Catholic Bishops Conference of the Philippines nitong taon, mariing ipinahayag ng mga obispo ang kahalagahan ng “Laudato Si’ formation,” na tutugon sa adhikaing “Ecological education.”

“Through the National Laudato Si’ Program, mandate pursuit of and participation in education campaigns… which will deepen our collective understanding of the challenges faced by our Common Home and strengthen our unity to take action,” ayon sa liham pastoral na inilabas nitong Enero 28

Samantala, mariin naman na pinahayag ni Arsenio ang kaugnayan ng pagmamahal ng Diyos sa pangangalaga ng kalikasan, kung kaya’t kinakailangan umano na mapag-aralan ang Laudato Si’

“Mahalagang pag-aralan ng mga mananampalataya (ang Laudato Si’) upang maintindihan ng bawat isa ang responsibilidad sa Sangnilikha at mapalalim ang pagkilala sa Diyos na Tagapaglikha,” aniya

Iba’t ibang mga environmental advocates ang inaasahan na magbibigay lekisyon sa kabuuan ng Laudato Si’ Course, ito’y gaganapin sa pamamagitan ng mga online lectures at isang face-to-face workshop na magsisimula sa ika-28 ng Hunyo hanggang Agosto, taong kasalukuyan. 

Inaanyayahanang mga gustong dumalo na makipag-ugnayan kay Ms. Lou Arsenio ng Arkdiyosesis ng Manila upang makapagpa-rehistro. 

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Pin It on Pinterest

Share This