Social Action Network nakiisa laban sa Tampakan mining

June 21, 2022

Nagpahayag ng suporta ang buong social action network ng simbahang Katolika sa Diyosesis ng Marbel sa mariing pagkundena sa planong pagmimina sa probinsya ng South Cotabato.

Sa katatapos lamang na National Social Action General Assembly (NASAGA) sa General Santos City, sinuportahan ng mahigit 200 delegado ang kampanyang anti-Tampakan mining at nanawagan sa sangguniang panlalawigan ng probinsiya na igalang ang kalooban ng mga tao.

“We implore the provincial government, especially the Sangguniang Panlalawigan of South Cotabato to work more tediously to guard the ecological sanctity of Tampakan and respect the will of the people,” ayon sa inilabas na press statement ng Caritas Philippines nitong Lunes, ika-19 ng Hunyo.

“We encourage and join the people of South Cotabato in demanding for public accountability and in carrying out regular scrutiny of government transactions related in particular to environmental actions,” dagdag pa ng mga delegado.

Isang linggo matapos ang eleksyon nitong Mayo, 11 miyembro ng sangguniang panlalawigan ang sumang-ayon na baguhin ang environmental code ng probinsiya na magbibigay daan sa mga gawaing pagmimina.

Bagamat pansamantalang nahadlangan ng pag-veto ni Governor Reynaldo Tamayo Jr., ang nasabing mungkahi, ipinahayag naman ni Bishop Cerilo Casicas ng Diyosesis ng Marbel na hindi sila titigil hangga’t di-natutuldukan umano ang banta ng open-pit mining sa lalawigan.

“We remain vigilant until the present threat to amend the lifting of the open-pit mining ban is completely done,” ayon kay Bishop Casicas sa isang press conference nitong Hunyo

“We are fully aware that the battle for environmental protection and against open-pit mining methods in South Cotabato is not over,” aniya.

Samantala, pinuri naman ng nasabing kapulungan ang paninindigan ni Bishop Casicas at ng Social Action Center ng Marbel laban sa pag-mimina sa lalawigan.

“We salute the bravery and sincere stance of the Diocese of Marbel, through the leadership of Bishop Cerilo Alan Casicas and Fr. Jerome Millan, the social action director, for steadfastly holding the line of accountability and preservation of life in Tampakan,” anila.

Ang ginanap na ika-41 na National Social Action General Assembly ay kapulungan ng mga social action centers mula sa 71 mga diyosesis at binubuo ng nasa 243 na mga delegado sa buong bansa. Ito ay pinangunahan ng Caritas Philippines.

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Pin It on Pinterest

Share This