In Photos: ‘Day of the Landless’

March 29, 2023

Tinaguriang Global Day of the Landless ang Marso 29. Batay sa datos ng gobyerno, nananatiling walang sariling lupang sinasaka at nasasadlak sa labis na kahirapan ang karamihan ng mga Pilipinong magsasaka.

Para sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, mahalaga ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa para tugunan ang “kagutuman at kahirapan ng mga Pilipinong magsasaka at sektor sa agrikultura at pangingisda.”

“Ang pangangamkam ng lupa sa pangunguna ng mga lokal at dayuhang korporasyon ay nag-alis at nag-aalis sa mga magsasaka sa lupang kanilang binubungkal. Milyun-milyong ektarya ng taniman ng pagkain, gayundin ang mga katutubo at pampublikong lupain, ay kinamkam nila para gawing plantasyon, minahan, at mga sakahang nakatuon sa pag-export ng mga cash crop,” pahayag ng grupo.

Mga larawan ni Mark Saludes

(Bisitahin ang

Matapos ang hagupit ng bagyo noong Oktobre 2020, napilitang anihin ng mga magsasaka sa Bulacan ang mga natumbang pananim nila. Mababa na nga ang presyo ng palay dahil sa Rice Tariffication Law, pinalala pa raw ng bagyo ang kanilang kabuhayan.
Pinagsasaluhan ng mga magsasaka ang nilagang itlog at noodles matapos nilang anihin ang palay na pinatumba ng bagyo. Sa ganitong panahon ng kalamidad daw nila lalong dama ang kawalan ng suporta ng pamahalaan sa agrikultura.
Sa Cagayan Valley, inaani ng mga magsasaka ang kanilang pananim na mais noong Nobyembre 2021. Kinilala ang rehiyon na pangunahing prodyuser ng mais sa bansa noong 2019.
Pero sa gitna ng mga problema sa kabuhayan ng corn farmers dito, lalo pa raw lumiliit ang produksyon ng puting mais dahil sa paglaganap ng BT Corn, isang uri ng genetically-modified na variety ng mais.
Sa Panay noong huling bahagi ng 2022, naglunsad ng ‘bungkalan’ ang mga magsasaka para simulan ang pagpapaunlad ng isang demo farm na magpapatubo ng iba’t-ibang uri ng binhi ng palay.
Sa ganitong paraan, malalaman ng mga magsasaka ang akmang variety ng palay ayon sa lupa at sa klima ng lugar.
Inaayos ng isang magsasaka ang tali sa kanyang alagang kalabaw sa Bikol noong Marso 2022.
Sa gitna ng pag-abante ng teknolohiya, kalabaw pa rin ang gamit ng maraming bukid sa bansa dahil sa kawalan ng akses ng mga magsasaka sa modernong makinarya.
Ilang oras bago ang marahas na dispersal at pag-aresto sa mga magsasaka sa Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 2022, makikita sa larawan ang pagtutulungan ng mga magsasaka na bungkalin ang isang bahagi ng tubuhan para pagtaniman ng palay.
Sa probinsya ng Tarlac noong Hunyo 2022, inaani ng mga magsasaka ang palay.
Marami sa kanila ay mga manggagawang bukid o mga magsasakang napipilitang mangamuhan o mamasukan bilang sahuran dahil sa kawalan ng lupang sinasaka.

Sa Bikol noong Enero 2023, sama-samang nilinis ng mga magsasaka ang isang bahagi ng lupang sakahan para pagtaniman ng gulay. Ayon sa kanila, mahalaga ang iba’t-ibang klase ng pananim na sasagot sa food insecurity hatid ng mono-cropping plantation at commercial agriculture.

Related Articles

Palawan bishops urge mining moratorium

Palawan bishops urge mining moratorium

“We are calling for a 25-year moratorium or suspension on the approval of any mining applications and mining expansions,” the bishops said.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This