Pabatid mula sa TIKOP Eco-Freedom Park

May 1, 2023

Ang TIKOP Eco-Freedom Park ay ang Facebook page ng barikada kontra-mina sa Sitio Bato, Barangay España, San Fernando, Sibuyan, Romblon

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT:

T(Tanong) S (Sagot)

T: Tuloy ba talaga ang mina? 

S: Depende. Kung ayaw ng tao, hindi matutuloy. Kung hindi ma comply ang requirements na hinihingi ng gobyerno, hindi matutuloy.

T: Bakit ang sabi ng mga taga mina ay tuloy na tuloy na. ?

S: Nandoon yan sa listahan ng mga kondisyon ng kanilang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) – Social Development and Management Program (SDMP) at lahat ng mga kailangang permits na hinihingi ng batas bukod pa sa Mining Act of 1995; at ng kanilang Exploration Permit (EP) katulad ng Community Development Program (CDP) kasama na dito ang mga livelihood programs, at patunay ng kanilang Information Education Campaign (IEC) na kung saan sila’y mag papapirma at kukuha ng litrato.  Hindi po automatic na tuloy na ito, dahil kailangang muna silang mag comply. 

T: Ano po ang importanteng dokumento bago sila tuluyang makapag full operate?

S: Ang Environmental Compliance Certificate (ECC) na kung saan, sila ay dadaan sa mga proseso para sila’y magkaroon ng Environmental Impact Assessment Study (EIA). Sa proseso ng EIA, sila ay magbabahay-bahay, iikot, magpapapirma, kukunin ang loob ng mga tao, mag papameryenda at mangangako ng mga proyekto at kanilang sasabihin na tuloy na ang mina. Hihingi din sila ng resolution sa mga baranggay at munisipyo maging sa probinsya. Ang isa sa kanilang ginawa ay ang IEC sa plaza ng San Fernando na ating pinawalang-bisa kasama ang ginawa nilang Public Scooping sa Taclobo na ating kwenestiyon . 

T: Kung ganun , nagsisinungaling pala ang mga pumupunta sa baranggay at iyong mga nagbabahay – bahay na nagsasabeng tuloy na ang mina? 

S: Opo. Mga sinungaling sila. Bakit sila nag papapirma? Para mayroon silang patunay at e cocomply sa hinihingi sa kanila ng mga ahensya ng gobyerno at ng mga batas. 

T: Sino-sino ang mga kasama ng Altai na binigyan ng respondibilidad para tulungan sila? 

S:  Iyong mga nakalista na mga tao ( maliban kay Grace Fabellon) sa Memorandum of Cooperation at lahat ng mga sumusuporta sa Sibuyan CSO- MASIKAP na sina:

1. Raymundo Cometa

2. Arnold Fabellon

3. Felix Robiso

4. Darwin Ruado

5. Ramonito Gubaton

6. Winnie Tansingco

7. Eden Rance

8. Erlie Malay

9. Norma Duco

10. Michael Estrada

At ang puno’t dulo ng lahat na siyang promotor na si Noel Reynaldo Navarette .

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This