Sumaatin ang kapayapaan mula! Ngayon ay ang unang linggo ng Adviento!
Sa Ebanghelyo si Hesus na nagsasabi: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras… Ang sinasabi ko sa inyo’y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!”
Paano ba ang pagiging mapagbantay? Itinuro sa atin na laging dalhin ang liwanag ng pananampalataya na may mga pagkilos ng pagmamahal at pakikiramay sa iba at sa buong sangnilikha. Sa patuloy na pagpapatotoo tayo ay nagiging handa: paggawa ng tama at makatarungan, at pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon.
Tandaan din na ang Katawang-tao ng ating Panginoon ay yumakap sa sangkatauhan sa mundong ito. Sinabi ni Papa Francisco sa #LaudatoSi’ talata 98 na “Namuhay si Jesus nang lubos na naaayon sa sangnilikha.” At sinabi pa niya sa talata 99 na “mula sa simula ng mundo, ngunit lalo na sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ang misteryo ni Kristo ay umiiral sa isang nakatagong paraan sa natural na mundo sa kabuuan, nang hindi naaapektuhan ang kasarinlan nito.”
Mga kapatid, maghanda tayo nang lubusan para sa Kanyang pagdating sa pamamagitan at kasama ng lahat ng nilikha tungo sa ekolohikal na pagbabagong loob. Ang sabi nga ni Pope Francis: “ang kinakailangang pagbabagong ekolohikal tungo sa pangmatagalang pagpapanibago ay isa ring pagbabagong pampamayanan.”
At sa ating paghahanda, sabayan natin si San Francisco de Asis sa kanyang awit: Purihin Ka, aking Panginoon, sa pamamagitan ng mga nagpapatawad sa Iyong pag-ibig, at nagdadala ng kahinaan at kapighatian. Mapalad ang mga nagtitiis nang mapayapa sapagkat sa pamamagitan Mo, Kataas-taasan, sila ay puputungan.”
0 Comments