Message of Bishop Pablo Virgilio David to Kalookan Laity for Principled Politics

February 11, 2022

Bilang inyong obispo dito sa diocese of Kalookan, nais ko lang na pasalamatan kayong lahat sa initiative na inyong ginawa bilang mga Laikong lingkod ng simbahan.  

Sa pamumuno ng KLAPP  (Kalookan Laity for Principled Politics) at sa pamamagitan ng inyong pakikipag-partnership sa iba’t ibang mga organisasyon at sektor, kayo’y nagsagawa ng seryosong collective discernment sa liwanag ng ebanghelyo at ng mga social teachings ng simbahang Katolika tungkol sa pulitika.  

Matagal ko nang pangarap na makitang kumilos ang mga laiko ng simbahan tungkol sa usapin ng pulitika sa ating lipunan.  Dalawang uri ng political involvement ang ini-encourage ng CBCP: ang PPCRV-work na election monitoring at ang involvement sa pagtataguyod ng principled politics.  Organisado na ang lahat ng ating mga volunteers para sa non-partisan involvement sa election monitoring through PPCRV, at totoo namang napakahalaga ng magiging gawain ng ating mga PPCRV volunteers for nonpartisan involvement na magtataguyod ng clean, honest, accurate, meaningful and peaceful (CHAMP) election.  

Pero noon pa man nalulungkot ako kapag lahat na lang ay sa PPCRV nagbo-volunteer.  Ano ang halaga ng magbantay sa eleksyon kung wala namang nagbo-volunteer upang tulungan at suportahan ang mga kandidatong kumakatawan para sa principled politics na nagtataguyod ng common good? Kaya natuwa ako nang nabuo ang inyong grupo sa KLAPP, sa pamumuno ng ating napakatalinong psychiatrist na dating presidente ng Philippine Psychiatric Association, Dra Mel Batar.

Mga minamahal naming mga laikong lingkod sa simbahan, hindi tama na kayo’y umiwas sa pulitika. Isang pagkakamali ang iugnay ito sa tiwaling pamamahala at tanggapin na lang na ito’y likas na marumi.  Mananatili ngang marumi ang pulitika kung ito’y iiwan natin sa mga kandidatong may maruming layunin. 

Hindi tamang maging neutral kapag ang nakasalalay ay katotohanan at kinabukasan ng ating bayan.  Huwag kalilimutan ang madalas ipaalala ni Pope Francis—na ang pulitika ay isang mahalagang aspeto ng buhay panlipunan.  Tandaan ninyo, bilang mga mamamayan, kayo ay may karapatan na aktibong lumahok sa pulitika para sa ikabubuti ng nakararami. Paano tayo magkakaroon ng good governance sa ating bayan kung hindi natin gagawin ang ating bahagi bilang good and responsible citizens? Bilang mabuti at responsableng mga mamamayan?  

Karapatan natin ang makilahok sa usaping pampulitika upang ang mamayani sa ating bansa at lipunan ay ang principled politics based on Gospel values, and the principle of the common good.  Hindi ito paglabag sa constitutional provision of separation of Church and State. 

Salamat sa pagsusumikap ninyo na magkaisa ng pananaw sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa mga isyu sa ating lipunan at gayundin sa inyong seryosong pagsisiyasat sa mga qualifications ng mga kumakandidato.  

Sa araw na ito na opisyal na nagsisimula ang campaign period para sa darating na halalan, matapos na kayo ay nag-collective discernment at consensus-building, minabuti ninyong i-submit sa akin ang inyong desisyon bilang mga laiko—na suportahan ang kandidatura nina Leni Robredo sa pagka-presidente at Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente. 

Gusto kong malaman ninyo na maaasahan ninyo ang aking basbas, bilang inyong obispo.  You have my blessing and I thank the Lord that you have taken this initiative because in the realm of politics, you are the  frontliners.  Ang laging maibibigay ko bilang inyong bishop ay moral and spiritual guidance, at asahan ninyo na lagi akong available para kayo ay magabayan sa inyong layunin at adhikain.  Hindi na “voters’ education” ang tawag ko sa pinagdaanan ninyo kundi “voters’ empowerment.”

Alam ninyo na hindi namin ugali bilang inyong mga pinuno sa simbahang katolika na pag-utusan ang mga Katoliko kung sino ang dapat nilang iboto.  Iginagalang kasi namin ang karapatan ng bawat isa na bumoto ayon sa konsensya.  Pero tiyakin naman natin na ang ating konsensya ay nagabayan muna ng tamang pag-unawa sa mga isyu at gayundin sa mga values at principles na ating pinaninindigan bilang mga Kristiyano. 

Kaya natutuwa ako na kayo bilang mga laiko ang gumawa ng hakbang at inisyatibang ito.  Inuulit ko, nais kong malaman ninyo na binabasbasan ko ang inyong naging desisyon.  Sana sa pamamagitan ninyo ay marami pang mga kapwa laiko ninyo ang inyong maakay na kumilatis nang mabuti kung sino ba sa mga kandidato ang tunay na makaDiyos, makatao, makabayan, maka-kalikasan at makabuhay. Ginawa ninyo ito, kayo mismo, upang malaman ninyo. At ngayong alam na ninyo, nais din ninyong ipaalam sa iba. Patnubayan nawa kayo ng Panginoon.

Bishop Pablo Virgilio David of Kalookan, who is the president of hte Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, delivered this message on February 8.

Related Articles

Palawan bishops urge mining moratorium

Palawan bishops urge mining moratorium

“We are calling for a 25-year moratorium or suspension on the approval of any mining applications and mining expansions,” the bishops said.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This