Juan 10:11-18
Sa Linggong ito pinaalalahanan tayong lahat na ang Panginoon ay laging sa ati’y nagbabantay. At kung makikinig tayo sa kanyang mga turo at bilin nang walang anumang alinlangan, makakamit natin ang buhay na walang hanggan.
Siya ang Mabuting Pastol at hinding-hindi niya tayo pababayaan kahit ano pa man ang nangyari. Kung tayo’y maliligaw, tayo ay kanyang hahanapin. Ganyan magmahal ang Panginoon.
Kaya kung tayo ulit ay maligaw, tandaan natin ang kanyang mga aral, ang landas pabalik sa kawan, landas ng katotohanan, ng buhay. Sa pagbalik natin sa kawan, tayong lahat ay nagiging isa. Makinig tayo sa paraan ng Panginoon at ituturo sa atin ang tamang landas.
Pakinggan natin ang hamon Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’: On Care for Our Common Home bilang 53:
“Kulang tayo ng pamumuno na may kakayahang tumahak sa mga bagong landas at matugunan ang mgapangangailangan ng kasalukuyan nang may pagmamalasakit sa lahat at pagkiling sa mga darating na henerasyon.”
Manalangin tayo (halaw sa Awit 23):
Panumbalikin mo ang aming kalakasan,
At patnubayan mo kami sa Tamang daan,
Dumaan man kami sa madilim na libis ng kamatayan,
wala kaming katatakutan, pagka’t ika’w aming kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aming gabay at sanggalang.
Amen.
0 Comments