Sumainyo ang Kapayapaan. Isang mapagpalang #LaudatoSiSunday sa lahat.
Si Jesus ang Alpa at Omega, ang simula at ang katapusan, at magpakailaman. Nandun na nung ang lahat ay nilikha, nung tayo ay hinubog na kawangis ng Ama.
Huwag matakot, huwag mamangha, dahil sa kanyang Sangnilikha, buhay na buhay ang Panginoon! At sa ating mga tahanan, tayo ay magbunyi!
Huwag matakot, huwag mamangha, dahil sa kanyang Sangnilikha, buhay na buhay ang Panginoon! At sa ating mga tahanan, tayo ay magbunyi!
Ang sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’: On Care for Our Common Home, bilang 237: “… ang araw ng Pagkabuhay na Mag-uli, ang “unang araw” ng bagong paglikha, na ang mga unang bunga ay nabuhay na pagkatao ng Panginoon, ang pangako ng huling pagbabagong-anyo ng lahat ng nilikha.”
Ngayon, sa panahon ng krisis, tayo ay tinatawag upang magbagong-anyo, sa ating mga gawi, sa pakikitungo sa ating kapwa at sa buong sang-nilikha. Isang paalaalang kilalanin ang ating pinagmulan, ang buong nilikha, na mging tunay na katiwala at tigilan na ang pananamantala.
Halina at ituloy ang pagbabahaginan sa Banal na Eukaristiya. Ating ipahayag ang walang hanggang pag-ibig ng Ama dahil “Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; magalak tayo at magsaya.” (Salmo 118:24)
Sa panalangin ni San Francisco ng Assisi, papurihan natin ang Panginoon: Purihin ka, aking Panginoon, kasama ang lahat ng iyong nilalang, lalo na ang Kapatid na Araw, Sa panalangin ni San Francisco ng Assisi, papurihan natin ang Panginoon: Purihin ka, aking Panginoon, kasama ang lahat ng iyong nilalang, lalo na ang Kapatid na Araw,
Purihin ka, aking Panginoon, sa pamamagitan ng Kapatid na Buwan at mga bituin, sa kalangitan ay inayos mo silang malinaw at natatangi at maganda.
Purihin ka, aking Panginoon, sa pamamagitan ng Kapatid na Hangin, at sa pamamagitan ng himpapawid, maulap at mapayapa, at sa bawat uri ng panahon kung saan ibinigay mo ang ikabubuhay ng iyong mga nilalang.
Purihin ka, aking Panginoon, sa pamamagitan ng Kapatid na Tubig, na lubhang kapaki-pakinabang at mapagkumbaba at natatangi at malinis.
Purihin ka, aking Panginoon, sa pamamagitan ng Kapatid na Apoy, sa pamamagitan mo’y nagliliwanag ang gabi, at siya’y maganda at mapaglaro at matipuno at malakas”
Amen.
0 Comments