LAUDATO SI’ E-HUB, INILUNSAD NG MANILA ECOLOGY MINISTRY

October 31, 2022

Pinasinayaan ng Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila ang “Laudato Si’ E-Hub,” sa isang mall sa Mandaluyong City nitong Linggo, ika-30 ng Oktubre. 

Sa kabubukas lamang na Evangelization Hub o “E-Hub,” na matatagpuan katabi ng Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamall, binigyan pahintulot ang ecology ministry upang magsagawa ng mga aktibidad na tutugon sa mga programa nito.

Ayon kay Manila Ecology Coordinator Lou Arsenio, ang Laudato Si’ E-hub ay bukas sa publiko tuwing Lunes at mga 5th Sundays sa buong taon. Aniya, ito’y naglalayon na maipakilala ang Laudato Si’ na magbubunga ng mga “konkretong aksyon,” na tutugon sa mga suliranin pangkalikasan. 

Dagdag pa ni Arsenio, mithiin ng ecology ministry na mapalawak ang “ecological conversion,” at kamalayan ng mga Pilipino sa kapaligiran sa mga tao.

Sa inilabas na pastoral letter on Ecology ng Catholic Bishops Conference of the Philippines nitong Enero, giit ng mga Obispo na mapalaganap ang mga “education and information campaigns,” patungkol sa “Rights of Nature and Integral Ecology.”

Mamataan sa nasabing Laudato Si’ E-Hub ang prayer corner, ilang mga photo exhibit patungkol sa biodiversity, isang “selfie board,” at film viewing area at isang “commitment corner” na nag-aanyaya sa mga bisita na mag-bahagi ng kanilang pangarap para sa mundo

Samantala, katuwang naman ng Manila ecology ministry ang Greenpeace at Living Laudato Si’ Philippines sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa Laudato Si’ E-Hub.

Related Articles

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This